NAGDISTRIBUTE NA AKO NG SULAT
May 3, 2011. Mula sa Mogpog, Bantad ang una kong nadaanan, Bahay nina Rona Lineses ang aking pinuntahan. Nasa Manila raw si Rona at ayon sa nakatanggap ipadadala raw niya sa Manila ang sulat. Itinanong ko na rin si Ronel Macaraig, di nadaanan si Norimer Jinang, natanggap naman ng mga pinsan ni Jocelyn ang para sa kanya. Diretso ako kina Armando Leaño ngunit walang lumabas na tao, ngunit alam ng kapatid ko (driver ng tricyle) na ang bahay na tinapatan namin ay ang bahay ng kapatid na gwardiya sa ICC / St. Mary's College of Marinduque ni Armando nalaman ko kay Uly na ang bahay na pala ni Armando ay nasa bayan ng Boac. Isang head na rin siya ng isang school sa Buenavista ayon kay Nolasco. Diretso ako kina Ignacio Son Jr. at ang tumanggap ng sulat ay si Chona ang kapatid niya. Umuwi pala siya d2 at kaaalis lang niya noong Martes (May 2). Ibibigay ko na rin sana ang para kay Anulfo ngunit wla pala akong naiprepair at habang nasa loob ako ng tricyle nakita kong wala pala sa Master List kong dala. Sayang nga ang pagkakataon at gusto akong makita ni Ignacio at yayayain daw akong mag-inom. Naisakay rin daw ni Uly si Junior. Sa Las Piñas City pa rin siya nagtuturo at head na rin siya ng kanyang school na pinapasukan. Nagdiretso ako sa bahay ni Armando Jasmin, ngunit parang tulog at di ko rin makita ang sulat para sa kanya gayong alam kong meron akong naihanda. Kaya sa bahay na nina Shirly ako nagpunta. Ipinagbilin ko na lang kay Tito Jr. na sana umattend siya ng May 7 meeting sa Lupac.
Ang dami nga pala nating kaklase na nasa paligid lamang ng MSAT/MSC. Si Arnolito San Juan ang aking ipinagtanong at tapat na pala ng kanilang bahay at lugar ko. Sa kanya ko na ibigay ang para kay Cleofe at nakapagpatayo na rin pala ng magandang bahay ang Cleofe ayon kay Arnolito. Ibinigay ko sa kanya ang para kay Reynald Marte, Cleofe at Vener Hintay.
Si Uly ang naabutan ko sa kanilang bahay at marami kong naibigay ang mga taga Poras; Eva Maano, Rodel Makimot, Arnel Maaño, Ariel Labrador, Luisito Martillano, Aida Manrique at Gina Marmol. Buliasnin; Uly at Noel Jasmin, San Miguel Boac: Robelita Janda; Tampus; Norman Miciano, Nerissa Montejo, Jane and Jorge Mandia; Bantauyan;Raul Montalan. Tabi & Tabigue Rodel Mangi at Ma. Salome Rabi. Pili Boac; Maribel Matining, Dina Montenegro.
Ang mga nauna kong nabigyan; Maligaya; Liza Oliveros-Olavidez, Marietta Larrosa, Ma. Cecilia Olavidez, Mario J. Lasic (di pa raw naibibigay), Pepito Olavidez at Nelia Madla.

PANGAKO NINA JERRY HIZOLE, GINA HISTORILLO, E. NARZOLES AT IRMA FORTON
May 3, 2011. Magiging masaya ang ating reunion dahil consistent sila sa kanilang tulong para sa ikatatagumpay ng kaganapang ito. Si Jerry Hizole ay nangako ng financial na tulong gayundin si Gina Historillo-Grape at si Irma Forton naman ay isang Washing Machine ang ibibigay. Bago ako matulog nakachat ko si Exequel Narzoles at maghuhulog na raw siya ng contribution.
ANG TOTOONG KWENTO TUNGKOL KAY CHRISTOPHER
May 3, 2011. Noong hayskul tayo hindi ko kavibes si Topher ang alam ko lang sa kanya ay kapatid siya ni Mam Ester Sadiwa. Grade two pa lang ako sa Tanza Elementary School ay kakilala ko na si Mam Sadiwa. Iisa lang ang boarding house namin sa Bantad. Sila ay sa itaas at kami ay sa silong.
Ayon sa kwento ng kanyang kapatid na si Mrs. Bato may nagtago daw ng kanyang baon, tanghali 'iyon. Walang naglabas ng kanyang baong kanin. Pumunta siya sa boarding house ng kanyang kapatid, ngunit naubusan na rin siya ng makakain. Nagpasiya siyang pumunta sa bayan sa isang bakery at doon nagtatrabaho ang isa pa niyang kapatid. Pagdating sa bakery niloko naman ng isang panadero at doon naghalo ang kanyang galit at gutom. At dumating ang gabi nang araw na iyon hindi siya nakatulog.
Ayon din sa kwento, talagang napakasakit ng kanyang ulo kapag umaatake ang sakit. Sa ngayon okay naman ang kanyang kalagayan, yon nga lang mayroon siyang regular na injection at gamot for life. Tumatanggap siya ng pagdrawing. Minsan hindi rin nababayaran. Nagtrabaho din siya bilang isang security. Nagkabarilan. Natakot siya at nagtago sa CR. Umuwi na lamang siya dito sa probinsya at inaalagaan naman ng kanyang mga kapatid na babae.
Sana makasurvive siya sa kanyang kalagayan. At isama natin siya sa ating mga panalangin.

NAUNSYAMING PLANO NGAYONG ARAW (MAY 2, 2011)
Kagabi (May 2, 2011) nagprint ako ng mga letter para personal sanang iaabot. Tumawag ako kay Rosalie at di daw kami matutuloy. Buti na at di kami natuloy, hindi pumasok ang isa kong attendant ang dami na namang mga teachers ang dumating sa shop... kundi hirap ang dalawa ko pang encoder. Di man ako nakapaglibot nakapag-abot ako ng dalawang letter para kay Christopher Nilo at Rolito dela Cruz. Napadaan kasi ang kapatid ni Christopher sa Ukay-ukay namin at ang asawa naman ni Rolito dela Cruz ay may i-pinaprint.
Magkasama sana kami dito nina Norimer at Rosalie.

BONDING WITH ROSALIE & MISS OFW, IN MAGAPUA
May isang bisitang dumating si Rosalie na isang OFW kaya napasugod kami doon. Sina Ikoy at Norimer ang magkahiwalay na dumating at sinabihan akong kung pwedeng maki-join ako sa kanila. Hindi ako nagdalawang isip na tumango. Habang nilibot pa ni Ikoy sina Armando Jasmin, Eduardo Monteagudo at Analyn Quinitio kami naman ang namigay ng sulat kina Ma-Ana Muhi-Jawili (asawa niya ang naka-tanggap, umalis na daw si Mary Ann) Analyn Quinitio, Ariel Jardeleza, Jocelyn Solomon-Narito, Elenito Rejano at Benidicto Mogol. Si Jocelyn at si Ariel lamang ang personal namin naabutan ng sulat.
Dumating kami sa Magapua at naabutan naman namin si Rosalie at Babelyn ng sulat, hindi ko pala naiwan ang para kina Nomer. Pero lahat naman ng mga friends ko sa FB ay nainform ko na at nagsend na rin ako ng letter sa kanilang email. Lahat ng mga taga Maligaya Boac ay napadalhan ko na maging si Mario Lasic, nasa Cavite yata si Mario. Si Loreta Maac-Almadin ay naabutan ko na rin at maging si Nolasco Malagotnot.
Sa aming inuman nakausap namin sina Susan, Chona, Tongsi, Ces Nambio at maging si Romulo Limpiada. Una sinigurado namin ang oras. Sa pagkakatanda ko mga 9:00 am magsisimula ang meeting ng May 7, overnight ito. Baka may entertainment pa yon, laban kasi daw yon ni Pacman.

UMPISA NG PLANO
Sa isang bangketa sa Boac ng minsang magkasalubong at nagkausap kami ni Jorge Mandia na magplano ng isang Reunion para sa pang 25 years natin, ngunit makalipas ang limang taon, ngayon pa lang mabibigyan ng katuparan ang mga planong ito. Since kami pa lang ang may internet noon maliban sa JADE sa Boac sa akin natuka ang pagkontak sa mga kaklase natin abroad, Yahoo mail and Messenger lang ang alam ko, kaya nahirapan akong maghanap sa kanila, Wala akong makita. Si Gabi lang ever since ang nakokontak at nagpapadala sa akin ng Greeting Cards taun-taon yon. Hanggang sa kanyang kasalan parang ako lang ang nakarating sa Venue ng kanilang kasal sa Sta. Cruz. Sumunod na si Gina Marte-Punzalan, siguro mga dalawang taon din kaming napapalitan ng mga mensahe ni Gina. Kumustahan, hanggang tinabangan na rin ulit dahil wala pa rin akong makontak. Si Julio Permejo din ang isa sa nakakausap, nalalaman ko rin kung kailan siya umuuwi at nagbabalikbayan. Maging si Susan nakakausap ko rin sa Yahoo Messenger noon. Malimit kaming magkausap bandang mga tanghali na.
Nagcreate na rin ako ng isang E-Group sa Yahoo taong 2007 bilang tambakan ko ng impormasyon, luma at latest pictures at sana maging daan para magpalitan ng mensahe kahit offline ang iyong mga kausap, wala ring nangyari. Si Mary Ann Muhi-Jawili at Irma Monteaglere lang ang nakikipagpalitan ng messages dito. Hanggang sa pinatulan ko na ang Friendster, akala ko noon pang teenager lang ang friendster, magmula na may makita akong ibang kaibigan ko, naisip ko na malaking tulong ang friendster para maabot ko ang mga kaklase natin noong highschool tayo. Nakita ko dito sina Armando Jasmin, Exequil Narzoles, Norman Miciano at marami pang iba hanggang sa naisip ko ang Facebook para hanapin ang iba pa nating mga kaklase. Nagtagumpay ako dito at kasabay nito nag-plano na nang Reunion ang mga Manila Based nating mga kaklase. Nanguna sa pagplano dito sina Connie, Tongsi, Leocadio "Jun" Jimena at marami pang iba. Nagbuo ako ng grupo dito na tinawag kung MSAT BATCH 82. Sa ngayon may 40 plus members ang grupo.
Bagamat 2000 pa nag-umpisa ang pag-plano, nagkikita man kami ni Jorge sa tinginan lamang. Kunting batian, hindi na nagkaroon ng follow-up ang mga plano. Pinakamatagal kung nakausap siya ay noong October 29 Meeting sa Tahanan sa Isok sa Boac. Sa palagay ko magiging successful ang ating reunion ngayon, kasi ang bawat isa ay sabik nang magkasama tayo. Lahat ay nangunguna sa pagtulong, mula kina Joyce Manguera, Gina Marte, Jerry Hizole, Gabriel Linga, Zaldy Montero at maging si Divinia ang wiling makatulong lalo na nang mabalitaan niya ang nangyari kay Hoover Magcamit. Si Romulo Limpiada na hindi ko inaasahan na makakarating sa Glorietta Meeting salamat at naging daan itong meeting na ito para wala nang alalahanin sa susuutin nating T-Shirt ang maging ang Foods ay siya ang nag-sponsor. Lahat ng mga nakakausap ko sa internet at lahat ng umaattend sa meeting mula sa simula. Lahat ng di nakakaattend sa meeting ngunit tumutulong sa pakikipagusap upang ma encourage ang mga batch natin na umattend sa darating na reunion.
Sana ang final meeting natin ay puno ng magagandang plano para sa ating mga kaklase at mga anak ng ating mga kaklase, alma mater, mga guro at maging sa mamamayan ng mga Marinduque.